Bgy. official na tulak, huli
ARESTADO ang isang barangay administrator makaraang mahulihan ng iligal na droga, mga baril at bala kamakalawa sa Calasiao, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si Joven Sevillano, may asawa.
Ayon sa imbestigasyon, bandang umaga nang salakayin ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte.
Nakakuha ang mga pulis ng limang pakete ng shabu, mga baril at bala kaya agad itong inaresto.
Napag-alaman na dati nang sumuko sa droga ang suspek ngunit, ipinagpatuloy ang pagbebenta nito.





Comments