top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

ASUELA, PETMALU SA TAGUM OPEN DIVISION RAPID CHESS

Eddie M. Paez, Jr.
Nov 28, 2018
1 min read

LABING-ANIM na de-titulong woodpushers mula sa 80 kalahok ang kasama sa listahan ng nag-ambisyong makuha ang kampeonato pero ang untitled chesser na si Ellan Asuela ang itinanghal na hari sa Open Division ng Tagum National Rapid Chess Championships sa RDR Gym ng Davao Del Norte.

Humakot si Asuela, 15th seed lang dahil sa rating nitong 2272, ng anim na panalo at isang tabla mula sa pitong salang sa chessboard upang matagumpay na makapaglakbay papunta sa trono.

Nahugutan niya ng buong puntos sina Bhell Ortiz (round 1), Carl Zirex Sato (round 2), Marvin Ting (round 3), Alfredo Rapanot (round 4), Darry Bernardo (round 5) at Jerich Cajeras (round 6) bago ito naki­pag­­hatian ng puntos kay Na­tional Master David Elorta.

Pumangalawa sa karera si FIDE Master Narquing­den Reyes samantalang pu­mangatlo si Elorta taglay ang tig-aanim na puntos.

Kasama sa mga rated chessers na hindi nakapasok sa podium sina Grandmas­ter Darwin Laylo, Internatio­nal Master Oliver Dima­kiling, IM Steven Kim Yap, IM Ronald Dableo, FM Nelson Mariano II, NM Merben Roque, NM Noel Dela Cruz, NM Edsel Mon­toya at NM Julius Sina­ngote.

Sa bakbakan ng mga paslit, ang 14-anyos na si Clyde Harris Saraos ang itinanghal na kampeon da­hil sa naipong 5.5 puntos pag­katapos ng anim na yugto. Ang pre-tournament favo­ite at topseed na si Wesley Jovan Magbanua ang puma­ngalawa dahil sa kartadang 5.0 puntos habang nanggulat si Raiza Mae Locmayoan, 12-anyos at no. 6 sa ranking nang pumangatlo at dala ang naipon na rin na 5.0 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page