49 PUNTOS, NIRATRAT NI DURANT; 54 PTS. NI HARDEN, NASAYANG
- BULGAR

- Nov 28, 2018
- 1 min read

HUMALIBAS si Kevin Durant ng 8 sa kanyang 49 puntos sa huling 1:19 minuto ng game upang iangat ang Golden State Warriors sa bisa ng 116-110 na panalo kontra Orlando Magic sa Oakland, California.
Kumunekta si Durant ng 16 sa kanyang 33 tirada, apat sa sampung tangkang tres at 13 na free throws tungo sa ikalimang pinakamataas na scoring game ng career. Ang 49 puntos ay ikalawa sa pinakamataas niyang iskor na naitala mula nang mag-51 puntos siya para sa Oklahoma City sa Toronto noong Marso 2014.
Nakatrangko ang Warriors ng may 18 puntos bago pa nakalamang sa 3rd at 4th quarter upang itarak ang 102-100 lead kasunod ng tres ni Klay Thompson sa nalalabing 5:26 minuto.
Sa iba pang laro, nakapagtala si John Wall ng 36 points at 11 assists nakabakas si Bradley Beal ng 32 nang makalamang ang Washington Wizards ng 17 puntos sa kaagahan ng laro upang gapiin ang bumibisitang Houston Rockets 135-131 sa overtime game. Nagawa pang manaig ng Wizards bagamat nakapagtala ng season-high 54 points para sa Rockets si guard James Harden. Sinimulan ng Washington ang overtime sa bisa ng 8-1 run nang makanakaw ng bola si Otto Porter Jr. at ipinasa kay Beal para i-dunk ito sa nalalabing 1:50 minuto at hindi na nakadikit pa ang Rockets kahit sa 3 puntos. (MC)





Comments