TATLO SA KORONA NG WPC


ANG ginanap noong nakaraang araw ng Linggo na grand finals ng 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag International Derby ay nagpatunay nang ipinangako nito – isang labanan na puno ng aksiyon at mga sorpresa na madedesisyunan hanggang sa huling sultada.
Una, si Marcu Del Rosario (One Capiz April 7 A.T.F.) ay nabigo sa kanyang ikawalong laban upang mapanatili ang perpektong iskor, samantalang ang Bicol Group Big Event Sa Pasay Nov. 30 Team Liberator (Aldo-Jomarie/Jimmy Mariquit/BL) na pumasok sa kampeonato na may bitbit lang na 4 na puntos ay naipanalo ang 4 niyang laban upang magtapos na may 8 puntos.
Sa Fight 81, si Arman Santos (Jade Red LDI) na may 7.5 puntos pagkatapos ng walong laban ay may pagkakataon na masolo ang korona subalit kinapos at nabigo sa kalaban nito na Diesel Alwyn & Ragnar (Vice Tom Tom Hernandez & Marlon Castro), upang maitalaga sa pinakamataas na iskor ang 8 puntos, awtomatikong dineklara na kampeon ang Bicol Group Big Event Sa Pasay Nov. 30 Team Liberator at binuksan ang pinto nang magkampeon din ang apat pa na may tig-7 puntos na may tig-isang laban.
Ang One Capiz April 7 A.T.F. at Fafafa A.S. ay nagtagumpay, subalit ang kina Atong Ang (AA Virgo 2) at Boy Gamilla (EA Dragon-BMJ) ay hindi. Ang tatlong naka-8 puntos na Bicol Group Big Event Sa Pasay Nov.30 Team Liberator (Aldo-Jomarie/Jimmy Mariquit/BL), Fafafa A.S (Femie Medina/Allan Syiaco) at One Capiz April 7 A.T.F. ni Marcu Del Rosario mula sa Roxas City na kabilang sa Thunderbird Winning Team ay nagsalo sa korona. (MC)





Comments