top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Santo Papa, nang bumisita sa ‘Pinas nakatikim ng mura; Chinese president, halos sambahin naman ni P-

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 27, 2018
  • 2 min read

P60 MILYON ‘PORK BARREL’, PAMASKO NI HOUSE SPEAKER GMA SA MGA PORK BAR­REL POLITICI­AN? — Ibinul­gar ni Sen. Ping Lacson na aprub na raw ni House Spea­ker Gloria Maca­pagal-Ar­royo na bigyan ng tig-P60 milyon “pork barrel” ang 292 kongresista na pa­wang mi­yembro ng super ma­jority sa Kongreso.

Kung totoo ‘yan, aba, ang agang pamasko ‘yan ni House Speaker GMA sa pork barrel politicians.

Hay naku, habang ang mamamayan ay nag­hihirap sa taas-presyo ng mga bilihin at bayarin, itong mga nag­papakila­lang mga “lingkod-ba­yan” ang inaatupag ay pagparte-partehan ang pera ng taumbayan, mga buwi­sit!

◘◘◘

KUNG ANG SAN­TO PAPA, NAKATI­KIM NG MURA; CHINESE PRES. XI JINPING, HALOS SAMBAHIN NI P-DU­TERTE—Nang dumating noon sa bansa ang Santo Papa para i-bless ang Pili­pinas, mi­nura ito ni P-Du­terte kasi natrapik daw siya.

Nang dumating sa bansa ang lider ng China na si Chi­nese Pres. Xi Jin­ping, halos sambahin ito ni P-Duterte.

Ngayon mga kababa­yan, kayo na ang baha­lang mag-isip kung anong klaseng pangulo may­roon ang Pili­pinas, period!

◘◘◘

DAPAT MAG-SIGN THE WAIVER MUNA SI P-DUTERTE BAGO MAG-AKUSANG MAG­­NANAKAW ANG MGA TAONG-SIM­BAHAN —Dapat bago mag-aku­sa si P-Duterte na ni­nanakaw ni Caloocan Bishop Pablo Vir­gilio David ang mga do­nas­yon sa Simbahan ay tiya­kin muna ng pangulo na malinis at walang bahid ng korup­siyon ang kanyang pagka­tao.

Ang hirap kasi kay P-Du­terte, ang dalas mag-akusa sa mga taong-Sim­bahan na mga magnana­kaw daw pero, pagdating sa “sign the wai­ver” sa kanyang mga bank ac­count na umano ay may lamang P2 bilyon, takot na­­mang lumagda, bu­wisit!

◘◘◘

SI ‘KIMBERLY’ LANG ANG TUMI­GIL, PERO IBANG SMUGGLERS, TU­LOY ANG RAKET SA BOC — Putok ngayon sa Bu­reau of Customs na stop na raw ang smuggling operation ni “Kimberly” pero, ‘yung raket daw na smuggling nina “Tina U”, “Bebang”, “Doray” at “Big Mama” ay hindi pa rin daw tumitigil.

Pambihira, akala ng pub­liko na ngayong si ret. AFP Chief Gen. Rey Leo­nardo ‘Jagger’ Guerrero na ang BOC head ay ma­titigil na ang smuggling sa Adwana, eh, hindi pa pala, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page