top of page
Pokwang.jpg

Sa panahon ngayon, parak na palpak, sibak agad!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2018
2 min read

NAGKAUSAP na ang cast ng Ang Probin­syano at si PNP Chief Oscar Albayal­de.

Mainam naman!

◘◘◘

SA totoo lang, kumpara sa mga nagdaang adminis­trasyon, mas mabilis ang aksiyon ng pulisya ngayon kapag nasasangkot ang mga pulis sa katiwalian.

Talagang sinisibak agad ang mga pulis kahit ang buong kuerpo ang tinatanggal!

◘◘◘

PINAKAHULI ay ang buong puwersa ng pulis ng isang police unit sa Las Piñas ay biglang sinibak ni NCR­PO Chief Guillermo Eleazar.

Hindi ikinakaila ng PNP, may nasasabit na parak sa krimen, pero tinitiyak nila ay sinisibak nila ito at pinarurusahan!

◘◘◘

KAHIT si P-Digong ay nagsasabi na may mga opisyal ng kapulisan na sangkot sa krimen, pero sinabi rin niya na paru­rusahan niya ang mga ito.

Malinaw ang pataka­ran laban sa abusadong pulis, sibak agad!

◘◘◘

KAILANGAN lang ay ayusin ng teleserye ang script ng kanilang programa at mas paluntangin ang kararter ng bida na hindi lahat ng pulis ay masama.

Sa totoo lang, kung palulutangin lang ang bida sa teleserye, lilitaw na simbolo si Cardo Da­li­say mismo nina PNP Chief Oscar Albayalde at NCR­PO Chief Guillermo Elea­zar na galit sa abusadong pulis

◘◘◘

MISMONG ang dala­wang opisyal na ito ang sini­si­m­bolo ng bida dahil mali­naw at aktuwal na nalilinis ng dalawa ang hanay ng kapulisan.

Ngayon lang natin ito nasasaksihan kumpara sa mga nagdaang panahon!

◘◘◘

NAPAKARAMING pulis na ang nasibak, naparu­sahan at napatay dahil sa pagkakasangkot sa krimen.

Sa aktuwal, isa ito sa pinakamalaking achievement ng Duterte adminis­trasyon higit sa mga na­ging administrasyon sa Malacañang!

◘◘◘

WALA nang ulat ng karnaping, holdap, isnatsing, akyat-bahay, kidnap for ransom, bank robbery at iba pa.

Ang nilalansag nina PNP Chief Oscar Albayalde at General Eleazar ay hindi lang ang sindikato ng mga kawa­tan, bagkus ay sindikato mismo sa loob ng PNP.

Malinaw na malinaw ‘yan!

◘◘◘

NANG unang maupo si General Eleazar bilang hepe ng Kyusi, biglang nawala ang dati-rating araw-araw na pagkakapulot ng chop-chop na biktima ng murder.

Nalinis ni General Eleazar ang Kyusi at kahit sandali lang siya sa Cala­barzon, mabilis na nalan­sag ang mga sindikato sa rehiyon kabilang ang iskalawags na parak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page