top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Nahulog mula 3rd flr. ng pinapasukan | PINAY SA UAE, TIGOK

Gina Pleñago
Nov 27, 2018
1 min read

NAGPAABOT ng pa­kikiramay ang Depart­ment of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng 22- anyos na Pi­nay na nasawi nang mahulog mula sa ikatlong palapag na pi­nagtatrabahuhan nito sa United Arab Emirates (UAE).

Ayon sa Philippine Con­sulate General sa Dubai na si Paul Ray­mond Cortes, na­dala pa ang Pinay sa Sheikh Kha­lifa Hospital, pero bi­na­wi­an din ito ng buhay bago dumating sa paga­mutan.

Nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad ka­ugnay sa isinagawang im­bestigasyon sa pagka­matay ng Pinay at inaasi­kaso na rin ang mga do­kumento para maiuwi na ang mga labi nito sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page