top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mister na tulak-sugarol, tinodas

Levi Gonzales
Nov 27, 2018
1 min read

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang uma­no’y kilalang pusher at suga­rol sa Bgy. Mali­tam, Batan­gas City.

Base sa imbesti­gas­yon, alas-3:30 ng mada­ling-araw, naglala­kad la­mang sa lugar ang bik­timang si Genevev Pas­cual, nang tigilan siya ng isang motorsiklo.

Mabilis na bumunot ng baril ang mga suspek nang makita ang target saka ma­lapitang binaril. Agad itong namatay dulot ng mga tama ng bala sa ma­seselang bahagi ng katawan.

Sinasabing kalalaya la­mang nito sa kasong may kaugnayan sa iligal na pa­sugalan at nasa listahan din ng barangay na may kina­laman sa iligal na droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page