MAYWEATHER O SPENCE JR., KONTRA PACQUIAO SA 2019?


BAKA lumabo pa ang Pacman-Mayweather fight dahil umeeksena si Errol Spence, Jr.
INAASAHAN na makakalaban ni Manny Pacquiao kung hindi man si Floyd Mayweather Jr. ay si Errol Spence Jr. sa kalagitnaan ng 2019 sakaling talunin niya si Adrien Broner sa Enero, ayon sa The Ring’s ni Mike Coppinger.
Isang beses lang sumabak si Pacquiao noong 2018, Tinalo si Lucas Martin Matthysse sa bisa ng technical knockout noong Hulyo. Gayunman, babalik siya sa ring sa edad 40 kontra Broner sa MGM Grand sa Las Vegas.
Nakatakdang depensahan ni Pac-Man (60-7-2) ang kanyang WBA world welterweight title. Una nang naglaban sina Pacquiao at Mayweather sa pinakaabangan na bakbakan nang magwagi si Mayweather sa bisa ng unanimous decision noong Mayo 2015 at pag-ibayuhin pa ang career record sa 48-0. Makaraan ang bakbakan, idinahilan ni Pacquiao na umakyat siya sa ring kahit may pinsala ang kanan niyang balikat at hindi binigyan ng paunang anti-inflammatory shot bago lumaban. Ipinaliwanag din niya na hindi niya ginawang dahilan ang injury kung kaya siya natalo, naapektuhan daw talaga siya ng pananakit ng balikat. “It’s part of the game,” ani Pacquiao sa ESPN.com. “I don’t want to make alibis or complain or anything...but it’s hard to fight one-handed.”
Pagkaraan ng laban ay agad inoperahan si Pacquiao dahil sa torn rotator cuff. Ngayong lumilinaw ang rematch sa cards. Umakyat sa ring si Money (50-0) ng dalawang ulit mula manalo kay Pacman. Napagwagian niya ang laban kay Andre Berto sa bisa ng unanimous decision apat na buwan matapos harapin si Pacquiao, at nang talunin si UFC star Conor McGregor via TKO noong August 2017 sabi niya magreretiro na siya.
Gayunman, ang usapang Pacquiao at Spence ay umeentra pa lamang. Ang 28-anyos na si Spence ay may perfect 24-0, kabilang ang 2-0 ngayong taon. May fight schedule siya sa Marso 16 kontra Mikey Garcia sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas. Hindi malinaw kung si Mayweather o si Spence ang sunod na opsiyon kay Pacquiao kung matatalo kay Broner. Gayunman, sinabi ni Coppinger na lumagda raw si Pacquiao sa Premier Boxing Champions noong Oktubre dahil inaasahan siyang magkakaroon ng big pay-per-view fight sa 2019. (MC)





Comments