top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung may matatangap na benepisyo sakaling makakuha ng patent sa naimbentong sabon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 27, 2018
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Ano ang mga benepisyo kung kukuha ako ng patent para sa bago, kakaiba at natatanging proseso ng paggawa ng sabon na aking naimbento? — Kiko

Dear Kiko,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Section 71 ng Republic Act (R.A.) No. 10372 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code of the Philippines kung saan nakasaad na:

“SECTION 71. Rights Conferred by Patent.

71.1. A patent shall confer on its owner the following exclusive rights: a. xxxx.

b. Where the subject matter of a patent is a process, to restrain, prevent or prohibit any unauthorized person or entity from using the process, and from manufacturing, dealing in, using, selling or offering for sale, or importing any product obtained directly or indirectly from such process.”

Ibig sabihin, kung kayo ay kukuha ng patent para sa prosesong inyong naimbento, maaari ninyong pigilan ang ibang tao na gamitin ang prosesong ito. Maaari rin ninyong ipagbawal ang pagbebenta ng mga produk­tong nagawa gamit ang nasabing proseso.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page