top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kalayaang ibinibigay ng social media, ‘wag abusuhin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2018
2 min read

WALANG tigil ang batikos sa lumabas na chat ng ilang miyembro ng Upsilon Sigma Phi kung saan iba’t ibang mga paksa na hindi maganda ang pinag-uusapan, karamihan ay mga masasamang pagtrato sa kababaihan, LGBT na grupo, pati na rin sa mga Muslim at Lumad. Minaliit nang husto ang kababaihan, kasama ang mga mambabatas at pulitiko. Hindi na natin uulitin ang mga sinabi at apektado rin tayo nang husto. Para sa kanila, umiikot lang dapat ang mundo sa kalalakihan. Excuse me.

Ilang miyembro ng fraternity, karamihan ay may mga posisyon sa UP ang nagbitiw na mula sa Upsilon Sigma Phi dahil hindi na nila matanggap ang mga pinagsasabi ng kanilang mga “ka-brod”, dapat lang. Dapat umayon nang husto ang lumabas na chat na ‘yan, mula sa prestihiyosong fraternity kung saan galing ang ilang kilalang pulitiko at lider ng bansa. Hindi natin maintindihan kung bakit ganito ang pag-iisip ng mga kabataan ngayon. Ang kalayaang ibinibigay ng social media ay hindi rin dapat inaabuso.

◘◘◘

Marami ang nagsasabing hindi dapat mabahala sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at China sa paghahanap ng langis at natural gas sa karagatan. Mismong si acting Chief Justice Antonio Carpio na nangunguna sa pagtanggol ng karapatan ng bansa sa karagatan ang nagsabing ang MOU ay kasunduan lamang para sa paghahanap ng solusyon sa pinaplanong pananaliksik ng karagatan. Wala pang detalye kung paano ito gaagawin.

Gayunman, mabuti na ang alam ng mamamayan ang anumang magiging kasunduan ng dalawang bansa. Sigurado, sa China manggagaling ang teknolohiya at kagamitan para sa pagsisiyasat kaya hindi dapat madehado ang bansa sakaling magsimula na ang pagsisiyasat at paghahanap, pati paghango ng langis at natural gas. Hindi rin dapat magbago ang katayuan ng bansa hinggil sa pag-angking ng teritoryo. Wala dapat sa usapan ‘yan. Sa pagkakataon ito, makikita kung talagang kaibigan na nga ang China.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page