top of page
Pokwang.jpg

ESTEBAN NG ATENEO WOMEN’S, NAGREYNA SA UAAP FENCING

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2018
1 min read

NAGREYNA ang mga eskrimador ng Ateneo de Manila sa pagtatapos ng UAAP Season 81 fencing tournament sa Victoria Sports Tower sa Quezon City. Unang nakopo ng UE Red Warriors ang ikapitong sunod na kampeonato sa men’s division habang pinamunuan ni Maxine Esteban ang Lady Eagles sa pagdagit ng unang women’s crown sa nakalipas na 12 taon.

Sa pagtatapos ng kompetisyon nagwagi pa ang UE sa team foil gold na sina CJ Concepcion, JC Concepcion, Sammuel Tranquilan at Xavier Arabaca. Sa ikatlong araw pa lang ng 4-day tournament ay tiyak ng kampeon muli ang Recto-based fencers matapos manalo ng team saber gold nina Concepcions, Tranquilan at Jinro Villanueva.

Nakapag-uwi rin ang UE ng tatlong silver medals, sa pagtala nila ng league-best 13th overall men’s title. Nagwagi si Tranquilan bilang men’s back-to-back MVP. Ang pagwa­wagi ni Esteban sa individual foil at saber events, gayundin ang gold medal finish ng Lady Eagles sa team foil ang muling naghatid sa Katipunan-based fencers sa kampeonato ng women’s division. Bunga ng kanyang kahanga-hangang performance na nagbigay sa Ateneo ng ikalawa nitong titulo mula noong 2006, itinanghal si Esteban na Rookie-MVP.

Nagawa ring wakasan ng Lady Eagles ang 11 taong pagri-reyna ng UE. Sumegunda ang University of Santo Tomas matapos umani ng dalawang gold medals sa pamamagitan ni Marielle Peralta sa individual epee at ang kanilang team foil na binubuo nina Peralta, Andrea Bernal, Pauline Bernarte at Mira Dorimon maliban sa isang silver at dalawang bronze medals. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page