28 patay sa killer bus
Jersey Sanchez
Nov 27, 2018
1 min read
DEDO ang 28 katao matapos malunod nang mahulog sa kanal ang sinasakyan nilang bus sa India.
Pauwi na umano sa kani-kanyang bahay ang mga pasahero na pawang mga estudyante.
Ayon sa awtoridad, hindi pa matukoy ang sanhi ng insidente at hindi pa maibigay ang eksaktong bilang ng pasahero ng bus.
Magpapaabot umano ng tulong sa pamilya ng mga biktima ang State Chief Minister na si H.D. Kumaraswamy.





Comments