top of page
Pokwang.jpg

YULO, HINDI TSAMBA ANG BRONZE SA GERMANY WORLD CHAMPIONSHIPS

Eddie M. Paez, Jr.
Nov 26, 2018
1 min read

PINATUNAYAN ni Pinoy gymnast Carlos Adriel Yulo na hindi tsamba ang kanyang podium performance sa World Championships sa Qatar kamakailan nang mapabilang siya sa unang tatlong finishers sa larangan muli ng floor exercise sa Federation Internationale de Gymnastique (FIG) Individual Apparatus World Cup sa Cottbus Lausitz Arena ng Cottbus, Germany.

Umiskor ang 18-anyos na si Yulo ng 14.500 puntos sa final round upang makuha ang tansong medalya sa likod nina Israeli Artem Goldopyat at Netherlands pride Casimir Schmidt.

Ang pambato ng Israel na siya ring topnotcher noong qualifying stage ay binigyan ng mga hurado ng 14.800 puntos para sa gintong medalya samantalang ang Dutch gymnast ay nahablot ang pilak. Bagamat kagaya ng Pinoy ay may rekord siyang 14.500 puntos, nakaangat ito kay Yulo nang lapatan ng tuntunin sa tiebreak.

Nakabuntot kay Yulo, tumatayong pinakamakinang na pag-asa ng Pilipinas sa 2020 Tokyo Olympics pagdating sa gymnastics ang dalawang Aleman na sina Felix Remuta (14.333 puntos) at Marcel Nguyen (14.266 puntos), Emil Soravuo ng Finland (14.200 puntos), Turkish Ahmet Onder (13.933 puntos) at Loris Frasca ng France (13.600 puntos) sa event na nilahukan ng 37 gymnasts mula sa Brazil, Slovenia, Colombia, USA, Azerbaijan, Armenia, Croatia, Guatamela, Belarus, Russia, Switzerland, India, China at Kazahkstan.

Matatandaang gumawa nang kasaysayan ang bina­tilyong Pinoy nang makakuha siya ng tansong medalya sa floor exercise sa likod ng isang Ruso (Arthur Dala­loyan) at isang Hapones (Kenzo Shirai) sa 2018 World Championships na ginanap sa Doha, Qatar. Ito ang pinakaunang medalya ng isang kalahok sa Pili­pinas sa kompetisyon. Siya rin ang pinakabata sa nasabing bakbakan

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page