Tserman niratrat, utas
- Levi Gonzales
- Nov 26, 2018
- 1 min read
PATAY ang isang tserman matapos tambangan sa Bgy. Antipolo del Norte, Lipa City, Batangas.
Alas-7:23 ng gabi, sakay ng kanyang Mitsubishi Mirage ang biktimang si Napoleon Laguerta Sambayan, ng Bgy. Anilao Proper, nang pagbabarilin ng mga suspek.
Agad tumakas ang mga salarin sakay ng kotse patungo sa Padre Garcia.
Nadala pa ang kapitan sa pagamutan subalit, idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya at humingi ng tulong sa bawat presinto upang masakote ang mga suspek.





Comments