top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Trabaho para sa Pinoy, inaagaw | PAGDAGSA NG MGA INTSIK, TALUPAN

  • Lourdes Abenales
  • Nov 26, 2018
  • 1 min read

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Senado kaugnay sa pagdami ng mga Chinese na nagtatrabaho sa bansa.

Sa isang panayam kay Senator Aquilino ‘Koko’ Pi­mentel III, hangad umano nilang malaman sa pagdinig, kung bakit dumarami ang mga manggagawang Chi­nese sa bansa.

Aniya, maaari lamang bigyan ang mga banyagang manggagawa ng work per­mit para sa mga trabahong hindi kayang gampanan ng mga Pilipino.

Samantala, hindi umano dapat maapektuhan ng im­bes­tigasyon ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Chi­na.

Kaugnay nito, iimbesti­gahan din ang iba pang ban­yaga kapag napag-alamang nagtatrabaho sila sa bansa at ang kanilang mga trabaho ay kaya namang gampanan ng mga Pinoy.

Matatandaang, sa isang pahayag ni Sen. Joel Villa­nueva, nakababahala umano ang paglobo ng mga iligal na manggagawang Chinese sa bansa, na aniya’y nang-a­agaw sa mga Pinoy ng mga oportunidad sa trabaho.

Nauna rito, 93 Chinese ang nahuli dahil sa pagpa­patakbo ng umano’y illegal on­line gambling sa Pasig City.

May mga Pinoy ding lu­mapit sa Department of La­bor and Employment at Bureau of Im­mig­ration at inireklamo ang mga insidente ng mga Chinese na iligal na nagta­trabaho sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page