top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Social media, gamit na gamit sa pangangampanya, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2018
1 min read

UMEEKSENA na ang mga maka-U.S.

Tinitira na ang China.

Bistado ang mga espiya!

◘◘◘

RUMERESBAK agad ang mga taga-China.

Nahuhubaran na ang mga komunista!

◘◘◘

GAMIT na gamit ang social media sa propaganda.

‘Yan din mismo ang gagamitin sa senatorial derby!

◘◘◘

MAIIWANAN ang kandidatong walang kasanggang “online media”. Imposibleng maabot ang 7,000 isla ng Pilipinas.

Sa social media, isang “click” lang, pasok na agad pati ang private room nina Manay at Manoy!

◘◘◘

MATAPOS ang 2019 elections, magbabago na ang ihip ng hangin.

Unti-unti nang iiskiyerda ang mga ‘sepsep’ kay P-Digong!

◘◘◘

Sa 2020, magiging lameduck president na si P-Digong.

Lilipat na ang mga hunyango, paruparo at mga balimbing sa sinumang liyamado sa 2022 Presidential Elections.

Iyan ang buhay ng mga ‘Pinoy!

◘◘◘

KAPAG nananatiling malusog si P-Duterte matapos ang 2022, tiyak na reresbakan siya ng kanyang mga kalaban.

Iyan ay kung hindi siya pupulutin sa ospital!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page