Sa mga isip-bata riyan, read n‘yo ‘to, dali! PAGIGING MATURED, NAKAPAGPAPAHABA NG BUHAY!
- BULGAR

- Nov 26, 2018
- 1 min read

MASINOP at matured ka ba, lodi? Knows ba ninyo na ang pag-uugaling ito ay nakapagpapahaba ng buhay? Weh, ‘di nga?
Ayon sa pag-aaral sa U.S. na isinagawa sa 26,000 estudyante sa secondary school noong 1960, ang pag-uugali ng teenager ay nakaaapekto umano sa haba ng kanilang buhay.
Isang survey ang isinagawa sa mga kalahok kung saan ang nasabing survey ay naglalaman ng mga tanong tungkol sa personality traits, pagiging kalmado, leadership, sensitivity sa nararamdaman ng iba, impulsiveness, cultural refinement at maturity.
Ang mga kalahok ay sinubaybayan ng mga researcher hanggang 2009 kung saan 13 porsiyento sa kanila ay naitala nang namatay, ayon sa National Death Index.
Matapos ikonsidera ng mga researcher ang edad, parental education at family income, napag-alaman ng mga ito na ang mga teenager na kalmado, masinop, empathetic at matured ay nagkakaroon ng mahabang buhay.
Samantala, ang mga kabataan na mayroong kabaligtarang pag-uugali ay nagkaroon ng mababang posisyon sa trabaho, hindi magandang relasyon, hindi nakatapos ng pag-aaral at maagang pumanaw.
Dagdag pa rito, ang pagiging immature at impulsive ng kabataan ay nakade-develop ng bad health habits kung saan ito ay nakaaapekto sa immune system at puso nila.
Kaya ang payo ng mga eksperto, sabayan ng healthy lifestyle ang pagiging mature nang sa gayun ay tiyak na humaba pa ang iyong buhay.
Kaya mga beshy, alam n‘yo na ang pag-uugali na dapat panatilihin, ha?
Okay?





Comments