top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Para walang gulo | Next president at vice, partner na at hindi magkaaway

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2018
3 min read

KAPAG napalitan na ang ating Konstitus­yon (ang bersiyon 1986 na gawa ng mga taga­sunod ni dating Pangulong Corazon ‘Cory’ Aquino) ay magkakaroon na ng mahalagang pagbabago, required nang magka-partner ang presidente at bise-presidente, hindi tulad nga­yon na magkaaway daw ang dalawa.

Isa sa mga panukala ng Constitutional Com­mission ay pinag-aaralan sa Kongreso ang pa­giging magkapares o miyembro ng iisang par­tido, ang tatakbong presidente at bise-pre­sidente.

Tulad sa sistema sa Estados Unidos na ang dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa (presidential system din ang U.S.) ay dapat isang “team” lang at magkapartido.

Ang estilo kasi ng mga botanteng Pilipino ay ibinoboto nila ang galing sa iba’t ibang par­tido. Marahil, iniisip nila, bakit hindi natin pa­nalunin ang iba? Maling pag-iisip ‘yan dahil kung gagawin nating magkaiba ang matataas na opisyales sa gobyerno, siguradong mag-aaway ang mga ‘yan.

Uunahin nila ang interes ng partido bago ang bayan at kapag nangyari ito, hindi na tayo magkakaroon ng pagkakaisa bilang isang bansa.

Palagi na lang may panggulo r’yan, may ha­harang sa mga reporma at may mga im­bentong “pasabog” sa media.

Pansinin ninyong mabuti ang mga kritiko, marami sa kanila ay nagsasalita para lang may masabi (mga “mema”) dahil gusto lamang mag­papansin para maiboto ulit.

Lilinawin lang natin, walang problema kung may punto ang pagpuna sa opisyales. Ang hindi maganda ay ang mambatikos para lamang mapabagsak ang kasalukuyang gobyerno at ma­kapang-agaw ng kapangyarihan.

Ang mga kritiko, lalo na ang mga galing sa benggatibong partidong dilawan, walang layu­nin kundi maagaw muli ang Malacañang.

Kapag nasa puwesto kasi sila, maraming oportunidad para sa korupsiyon.

Noong may dilawang umupo sa Palasyo mula 2010 hanggang 2016, umusbong ang droga, lumawak ang krimen, dumumi ang Bo­racay Island, namatay ang SAF 44, nagkatanim-bala sa NAIA, tinurukan ang 800,000 bata nang nakamamatay na Dengvaxia, naglipana ang smuggling, muntik na tayong magkagiyera kon­tra sa China at marami pang ibang kalokohan.

Gusto ba ninyong muling bumalik ang gani­tong klase ng sistema, hindi ba, mas mabuti kung ang iboboto natin ay matino at hindi ‘yung walang alam?

Tulad na lang ng isang pamosong idyota na walang ginawa kundi ang magpainterbyu sa media at kung anu-anong kababawan ang pinagsasabi.

Isa pang ayaw natin sa kasalukuyang mga miyembro ng oposisyon ay ang kanilang pani­nira sa dangal at reputasyon ng Pilipinas sa la­bas ng bansa.

Madaling maloko ang mga puti ng “fake news” na ipinalalabas nila na nagkakagulo na rito at pinapatay na lahat ng tao.

Nariyan na tumatakbo ang mga dilawan sa International Criminal Court para lamang siraan ang administrasyong Duterte at ang ating bansa.

Hindi ba sila nahihiya at puro kasinunga­lingan ang ipinakakalat nila? Maling-mali ang umaabot na balita sa abroad tungkol sa Pilipinas kaya nagugulat ang mga balikbayan na umuuwi at sinasabing tahimik naman pala sa bansa na ta­liwas sa sinasabi ng media.

Kesyo wala na raw bigas, puro raw gulo at patayan. Pag-uwi rito, nakikita nilang tahimik ang paligid, takot lumabas ang mga kriminal at durugista at ang mga tambay ay hindi na nang­gugulo.

Ito ang disiplina kapag lumalabag sa batas ay dapat hulihin. Lahat ng bansa sa mundo na progresibo at mayaman ay istrikto ang pagsunod sa batas na kapag lumabag ka sa batas, kulong ka!

Sa Singapore, mag-chewing gum ka lang ay huhulihin ka na. Sa Thailand, siraan mo lang ang hari nila ay kulong ka.

Masyado tayong maluwag sa Pilipinas, ku­lang sa disiplina. Mula noong 1986, puro tayo kalayaan, nawala ang responsibilidad at pag­ma­mahal sa bayan kaya kung gusto nating umun­lad ang Pilipinas, kailangan tayong mag­kaisa, tanggalin na ang pagiging benggatibo at magtrabaho na lang tayong lahat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page