top of page
Pokwang.jpg

Pagsasabatas ng abot-kayang pagpapagamot, gawin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2018
1 min read

INUMPISAHAN na natin ang bicameral confe­rence committee meeting para mapagtugma-tugma ang mga probisyon ng “Universal Health Care for All Filipinos Act” o UHC.

Sa unang pulong noong Nobyembre 19, naging masigla agad ang debate kaya wala kaming naaprubahang final version.

Ayos lang dahil mas maganda na binubusisi ito nang husto kahit medyo tumagal dahil mas mahirap kung maging batas na pero, may butas pala.

Sa ating pananaw, mayroong apat o limang contentious issues o ‘yung mga medyo matinding debate ang kailangan at isa rito ang isyu ng benefits na isa sa mga naging tampok sa ating unang meeting.

Sa UHC, 100 percent ng mga Pilipino ay covered ng national health insurance, pero 35 percent dito ay contributory at 65 percent ay non-contributory o ‘yung subsidized.

Sa House version, lahat ay pantay ang benefits at prebilehiyo, pero may nagmungkahing bigyan ng incentive ang nagkokontribusyon para ganahan sila.

Gayunman, maganda ang unang bicam meeting dahil hindi nabura ang probisyon na isinusulong natin na lahat ng Pilipino ay covered ng national health insurance program.

Sa totoo lang, hindi tayo papayag na mabura sa final version ang “puso” ng UHC na abot-kaya ng bulsa na pagpapagamot.

Magandang pamasko ito sa ating mga kababayan kaya tuluy-tuloy ang ating meeting at sana ay maisumite na ang final version kay Pangulong Rodrigo Duterte para mapirmahan na ito at maging batas.

Mahalaga sa atin ang kalusugan kaya isa ito sa mga inuna nating ayusin sa San Juan noon. Ngayon, isinusulong natin ang UHC na maging batas para sa kalusugan ng buong sambayanan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page