top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagbabalik ng ROTC, pagbabalik din ng kaso ng pananakit at pangmomolestiya?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 26, 2018
  • 2 min read

DELIKADO ANG ROTC SA MGA KA­BATAANG MAG-AARAL — May mga namatay, nasaktan at namolestiya nang dahil sa ROTC (Reserved Officers' Training Corps) kaya nagpasya ang gob­yerno noon ni ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo na i-stop na ang ROTC sa mga kabata­ang estudyante tapos ngayon, ang gustong mangyari ni P-Duterte ay gamitin ang kanyang kapangyarihan para ibalik ang ROTC sa mga mag-aaral sa Grades 11 at Grade 12.

Aba, mga magulang, esep-esep din ‘pag may time kung susuportahan ninyo ang pagbabalik ng ROTC kasi baka akala ninyo wala nang hazing d’yan na lecture at training lang, ‘yun pala bina­ba­­lugbog at minomo­lestiya na ng mga ROTC official ang mga anak ninyo.

Tandaan, nasa huli ang pagsisisi kapag may nangyari nang masama sa mga anak ninyo, period!

◘◘◘

ANG BIRO NI P-DU­TERTE NA GUS­TO NIYANG MA­GING PROVINCE NG CHI­NA ANG PILI­PINAS, BAKA HINDI JOKE? —Na­ka­babahala ang patuloy na pagtanggi ng Duterte gov’t. na ipakita sa publiko ang nilalaman ng nilagdaang kasunduan nina P-Duter­te at Chinese Pres. Xi Jin­ping tungkol sa joint exploration ng Pilipinas at China sa West Philippines Sea (WPS) at kung ano ang kapalit sakaling hindi makaba­yad ng utang ang Pilipinas sa China.

Nakababahala kasi baka ang biro ni P-Du­terte noon na gusto niyang maging province ng China ang Pilipinas ay hindi pala joke, susmaryosep!

◘◘◘

MAS NANINIWA­LA KAYA SI P-DU­TER­TE NA SI QUI­BO­­LOY ANG MAY-ARI NG MUNDO KAYSA PAGMULAT NG KA­TOLIKO NA MAY IMPIYERNO? —Tinira na naman ni P-Duterte ang panini­wa­la ng mga Kato­liko nang sabihin niyang hindi raw siya nanini­walang may impiyerno tulad ng iminumulat ng Simbahang-Katolika sa publiko.

Aba, kulang na lang sabihin ni P-Duterte na mas naniniwala siya na ang kanyang bestfriend na si Pastor Apollo Quiboloy ang nagma­may-ari ng mun­do kasi walang gina­wang pag­kontra ang pangulo sa ipinakalat nito (Quibo­loy) sa social media na siya ang anak ng Diyos at siya ang nag­mamay-ari ng sanlibutan, boom!

◘◘◘

BULACAN PD AT SJDMC STATION COMMANDER, ‘NGANGA’ SA RA­KET NA COLOR GAMES AT DROP BALLS NI ‘LESLIE’ —Ang pana­wagan ng mga residente sa kapu­lisan ay tanggalin na ang puwesto ng color games at drop balls ni “Leslie” sa Area H, San Jose del Monte City (SJDMC), Bulacan dahil ginagawa na raw itong istambayan ng mga drug addict.

O, ano, Bulacan PNP Director Sr. Supt. Chito Bersaluna at SJDMC Supt. Fitz Macariola, “nganga” na lang ba kayo sa raket ni “Leslie”? Aksiyon na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page