Motor sumalpok sa trak, tumilapon | RIDER NASAGASAAN NG KOTSE, DEDBOL
- Levi Gonzales
- Nov 26, 2018
- 1 min read
DEAD-ON-THE-SPOT ang isang rider matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa nakaparadang trak sa Bgy. Niugan, Laurel, Batangas.
Pasado alas-3:00 ng umaga, sakay ng kanyang motorsiklo ang hindi pa nakikilalang biktima nang ‘di nito mapansin ang nakahambalang na trak sa naturang lugar kaya sumalpok ito hanggang sa tumilapon sa gitna ng daan.
Eksakto namang paparating ang kotse na minamaneho ni Alvin Gomez at natumbok siya nito.
Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at iba pang parte ng katawan ang biktima na daglian nitong ikinamatay.
Kusang-loob namang sumuko ang driver ng kotse kaya sinampahan siya ng kaulang kaso.





Comments