top of page
Pokwang.jpg

Mekaniko tiklo sa shabu

Pabs Hernandez III
Nov 26, 2018
1 min read

ISABELA—Isang mekaniko ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Rosario, Santiago City sa lalawigang ito.

Kinilala ang suspek na si Gerardo Galang, nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad laban sa suspek at nakumpiskahan ito ng isang sachet ng shabu at markadong pera.

Hindi nanlaban si Galang sa mga awtoridad na humuli sa kanya na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page