Ipun-ipon din 'pag may time, beshy!

DAHIL marami ang sa inyo ang nakatanggap na ng 13th month pay, ang iba ay kumolekta na rin ng kanilang Christmas bonus o 14th month pay, siguro ay napaglaanan na ng saktong pera ang mga dapat ay napaglaanan.
Ibig sabihin ng lola ninyo, nabayaran na ang dapat bayaran bago pa maubos sa mga luho at gusto lang ng ating mga katawan. Sana, nakapagtabi tayo bilang savings na kakailanganin sa mga future gastos tulad ng tuition ng mga bagets sa darating na school year, sa planong pagpapaayos o pagpapa-repair ng bahay at planong bakasyon sa next summer.
Ipun-ipon din para sa pang-emergency dahil hindi natin alam kung may darating na pagsubok sa buhay tulad ng may magkakasakit, maoospital at iba pang klase ng biglaang gastusin. Maigi na mayroon tayong madudukot sa sandaling dumating ang ganitong pagkakataon, hindi ‘yung hilung-hilo na tayo sa paghahagilap nang mauutangan.
Maiging mabayaran muna ang lahat ng pagkakautang bago gastusin ang mga bonus. Gayundin, para clean slate tayo bago dumating ang Bagong Taon, hindi ‘yung papasok ang New Year na tadtad tayo ng utang imbes na nabawasan ito dahil may dumating na ekstrang pera.
Katwiran ng iba, minsan lang ito kaya hayaan na lang na makapag-splurge nang konti at mag-feeling yayamanin kahit once a year lang. Okay lang ‘yun, pero dapat maging wais tayo sa paggasta. Ibig sabihin, dapat nasa katwiran ang paggastos at ang bibilhin lang ay mga kailangan lang hindi dahil sa gusto nating pumorma at makapagyabang.
Sa hirap ng buhay, hindi na keri ang maging waldas sa salapi, mga besh, dapat sa bawat pisong ating gagastusin ay pinag-isipan, hindi puro impulsive buying na lang na kapag may nakita tayo na maganda at natuwa tayo, buy na agad-agad!
Kaya sa ating friends na hindi pa nakukuha ang kanilang mga bonus o silang nag-aabang pa sa maraming blessings, planuhin ang paggastos, huwag bira nang bira, hane? Iba na ang may isinuksok dahil in the future, tiyak na may madudukot!





Comments