IMPLUWENSIYA NINA VALDEZ AT JAJA SA VOLLEYBALL FOR FREE, DINUMOG
- Clyde Mariano
- Nov 26, 2018
- 1 min read

MALAKING impluwensiya ang kasikatan nina Alyssa Valdez at Jaja Santiago at iba pang prominenteng volleyball players ng bansa upang dumagsa ang mga lumahok sa volleyball Learn and Play Sports for Free na inilunsad ng Philippine Sports Commission na idinaraos tuwing Linggo sa Rizal Park sa Quirino grandstand, Luneta Park.
Kung dati ay bilang sa daliri ang sumasali, ngayon umabot na sa 148 ang naglalaro at karamihan ay kababaihan patunay na sina Valdez at Santiago ng national team na naglaro sa Southeast Asian Games sa Singapore at Malaysia at Asian Games sa Indonesia ang hinangaan ng mga ito.
Nagdagdag na nets para makapaglaro pa ang iba pang nais lumahok sa volleyball.
“The growing number of volleyball enthusiasts is a manifestation many got hooked with volleyball,” sabi ni Rachel Ribo-Dumuk, in-charge of the weekly sports activities.
Pumangalawa ang volleyball sa kinagigiliwan at kinahuhumalingan dahil nangunguna pa rin ang zumba na umabot sa may 1,114 ang lumahok.
Ito ang pang-walong sunod na linggong pumalo sa mahigit 1,000 ang umindak sa dalawang oras na sports activities na pinangasiwaan ng national coaches.





Comments