Babala ng mga eksperto... MGA PAGKAING NAKAMAMATAY, ALAMIN!
- Jersy Sanchez
- Nov 26, 2018
- 2 min read

LIKAS na sa mga Pinoy ang mahilig kumain, kaya lang minsan, may mga pagkain na akala nating masusustansiya, pero hindi naman pala. Ito ‘yung mga binabansagang “yummy but deadly” at para maging aware tayo sa mga kinakain natin araw-araw, halina’t talakayin natin ang mga pagkaing nakamamatay! Hala!
1. FRUIT SEEDS. Tulad ng apple at cherry, ang mga ito ay nagkokontamina ng hydrogen cyanide na tinatawag na prussic acid, kaya mainam na huwag itong sipsipin at kainin nang madalas.
2. POTATOES. Ang glycoalkaloids ay kemikal na masama sa ating kalusugan, kaya lang ito ay madalas na matatagpuan sa dahon, stems at sa sprouts ng patatas. Nabi-build din ito lalo na kapag hindi kaagad napipitas ang patatas. Maaari itong magbunga ng cramping, diarrhea, headaches at death.
3. ALMONDS. Mayroong dalawang uri ng almonds, ang sweet at bitter. Gayunman, ang nakamamatay dito ay ang bitter almonds dahil nagkokontamina ito ng hydrogen cyanide na nakapagbibigay ng problema sa kalusugan ng lahat.
4. RAW HONEY. Yes, mga besh! Dahil hindi ito dumaraan sa pasteurization process kung saan ang mga harmful toxin ay pinapatay. Ang pagkain ng raw honey ay maaaring magkapagdulot ng dizziness, weakness, excessive sweating, nausea at marami pang iba.
5. TOMATOES. Ang stems at leaves ng kamatis ay nagkokontamina ng alkali poison na nakaka-cause ng stomach agitation. Hindi naman ito masyadong mapanganib, bagkus, iwasan ang mga dahon nito.
6. TUNA. Ang isda ay nakaa-absorb ng mercury, ito ay masama sa ating utak. May epekto ito na hindi gugustuhin ng karamihan.
7. CASSAVA. Tulad ng fruit seeds, ang stems at leaves nito ay mataas sa cyanide na hindi maganda para sa ating kalusugan.
8. CASHEW. May kemikal ito na tinatawag na urushiol o kilala bilang poison ivy. Ito ay nakapagbibigay ng allergic reaction lalo na sa mga taong allergic sa mani, pero kumakain pa rin nito.
Oh, ayan, now you know kung anu-ano ang mga pagkaing yummy but deadly.
Be aware, mga beshy!
Okie?




Comments