top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

3 holdaper ng jeep, timbog

Mylene Alfonso
Nov 26, 2018
1 min read

ARESTADO ang tatlong holdaper na nambiktima ng mga pasahero ng isang pampublikong jeep sa tapat ng Philippine General Hospital sa Taft Avenue, Ermita, Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina Angelo Camelon, 18, ng Masambong, Quezon City; Leomer Balacuit, 18, miyembro ng Sigue-sigue Sputnik Gang, ng Sta. Cruz, Manila at Omar Manonggiring, 48, ng San Andres Bukid, Manila.

Inireklamo ang mga ito ng mga biktimang sina Mario Sedenio, 63, Edita Sedenio, 53 at Denjie Onalan, 21.

Batay sa imbestigasyon, hinoldap ng mga suspek ang mga biktima gamit ang icepick at baril habang nakasakay sa pampasaherong jeep.

Pagbaba ng mga suspek, agad na nagsisigaw ng tulong ang mga biktima dahilan para maaresto ang mga suspek ng mga nagpapatrulyang pulis.

Narekober mula sa mga suspek ang isang .38 kalibre baril at icepick at mga nakulimbat sa mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page