P-Duterte, love ang China hindi ang ‘Pinas, period!

PUSO NI P-DUTERTE, NASA CHINA HINDI SA PILIPINAS? — Shocking ang ibinulgar ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na matapos daw ibaba ng United Nations Arbitral Tribunal noong July 12, 2016 ang desisyong panalo ang Pilipinas sa arbitration case laban sa China kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa sa South China Sea na kinikilala ng mga Pinoy bilang West Philppines Sea (WPS) ay pinagsabihan daw ni P-Duterte ang lahat ng miyembro ng kanyang gabinete na huwag gaanong i-celebrate ang pagkapanalo at baka raw ma-offend o masaktan ang damdamin ng China.
Ganu’n? Panalo na, tapos ang gusto pala ni P-Duterte ay dedmahin na lang ang pagkapanalong ito.
Aba, walang duda na ang puso ni P-Duterte ay nasa China at wala sa Pilipinas, buwisit!
◘◘◘
INAABUSO NI P-DUTERTE ANG KANYANG KAPANGYARIHAN PARA MANIRA NG KAPWA — Sa kanyang talumpati ay kahit wala namang pinanghahawakang ebidensiya, sinabi ni P-Duterte na ninanakaw daw ni Caloocan City Bishop Pablo Virgilio David ang mga donasyon sa Simbahan.
Masyado namang inaabuso ni P-Duterte ang kanyang kapangyarihan na porke alam niyang may immunity siya sa mga kaso o hindi siya puwedeng kasuhan kasi pangulo siya ay talagang sagad sa buto kung siraan niya ang pagkatao ng mga taong kanyang kinabubuwisitan, pwe!
◘◘◘
MOSYON NG DOJ VS. TRILLANES, IBINASURA KAYA TIYAK NAGHIHIMUTOK NA NAMAN SINA P-DUTERTE AT CALIDA—Tuluyan nang tinuldukan ni Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano ang kasong kudeta laban kay Sen. Antonio Trillanes IV, nang ibasura ng hukom ang mosyon ni DOJ Sec. Menardo Guevarra na buhayin ang kaso at magpalabas ng warrant of arrest laban sa senador.
Dahil d’yan, siguradong naghihimutok na naman sina P-Duterte at SolGen Jose Calida, boom!
◘◘◘
DAHIL SA POLISIYANG ‘KILL... KILL...KILL’ KAYA PARANG PANGKARANIWAN NA LANG SA PULIS ANG MAGMASAKER NG ISANG PAMILYA — Tatlong miyembro ng pamilya (ama, ina at anak) ang minasaker ng isang pulis sa Bgy. Pagasa, Quezon City.
Iyan ang masama kapag ang gobyerno ay may polisiyang “kill...kill...kill” kasi parang pangkaraniwan na lang sa mga pulis ang magmasaker ng pamilya o pumatay ng tao, ‘kakatakot!





Comments