Kahit bata, sexy at maganda… SANYA, INAYAWAN NI RENZ

NAKITA namin si Renz Fernandez sa wake ni Teejay Cruz, anak nina Tirso Cruz III at Lyn Cruz na ngayong Sunday at 2 PM ang cremation.
Ang pagkakaroon ng crush ni Renz kay Sanya Lopez na kasama niya sa Cain at Abel ang aming kinumusta sa kanya.
Ang feeling ni Renz, alam na ni Sanya na crush niya ito dahil naging open siya sa press sa presscon ng Cain at Abel. Sabi ni Renz, humahanga siya sa magaganda at mahuhusay umarte at nagagalingan siya kay Sanya. Para raw hindi baguhang umarte si Sanya na totoo naman dahil kahit si Dennis Trillo, nagagalingan sa aktres.
Sabi ni Renz, wala siyang balak ligawan si Sanya dahil bata para sa kanya, 21 years old lang ang aktres at siya’y 33 years old na. Pero malay natin?
Anyway, pulis ang role ni Renz sa Cain at Abel. Siya si Louie, mabait na pulis. Hindi lang niya alam kung magtutuluy-tuloy na mabait ang kanyang karakter.





Comments