Jeepney driver todas sa pasahero
PATAY ang isang jeepney driver matapos barilin ng kanyang pasahero sa Purok Kamagong, Bgy. Inicbulan, Bauan, Batangas.
Ala-1:40 ng hapon habang abala sa kanyang pagmamaneho ng jeepney ang biktimang si Roberto Dimalibot, nang sumakay sa kanya ang dalawang ‘di nakikilalang nagkunwaring pasahero.
Ilang metro pa lang ang layo ng kanyang tinatakbo nang barilin ito nang malapitan ng mga suspek saka nagsitalon.
Nadala pa ang biktima sa pagamutan ngunit, ‘di na rin umabot nang buhay.
Nagpalabas naman ng manhunt operation ang pulisya upang masukol ang mga salarin habang iniimbestigahan ang motibo sa krimen.





Comments