top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Hirit ng ilang empleyado, P20 na dagdag sa minimum wage, hindi sapat!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 25, 2018
2 min read

SINO ba ang hindi matutuwa kapag nadagdagan na ang minimum wage rito sa bansa?

Sa katunayan, matagal na itong hini­hiling ng ating mga kababayan dahil sa nararamdaman nating pagmamahal ng mga bilihin sa kasalukuyan, pero sa tu­wing may isinusulong na halaga ng dag­dag-suweldo, may ilan pa rin na uma­alma dahil mababang halaga lang ang sinasang-ayunan ng gobyerno.

Gayunman, magandang balita pa rin para sa mga manggagawa sa Region 2 dahil epektibo na simula ngayong araw ang dagdag na beinte pesos sa kanilang minimum wage.

Kasunod ito nang pag-apruba ng Re­gional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) Region II sa pagtaas ng sahod ng mga nasa non-agricultural workers sa P360 mula sa P340.

Samantala, makatatanggap ng mini­mum wage rate na P340 ang agriculture workers habang P320 para sa mga nag­tatrabaho sa retail service establishment na mayroong 10 empleyado pababa.

Naipasa ang panukala dahil sa im­plementasyon ng Republic Act 6727 o Wage Rationalization, gayundin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Para sa mga kasambahay naman, P3,500 ang inilabas na minimun wage rate, pero maaari pa itong taasan ng kanilang employer depende sa nais nilang pasahod.

Kaya matapos ang pag-aprubang ito, hiling natin na sana sa paunang hakbang ng pamahalaan ay magtuluy-tuloy na ang pagbibigay nila ng tugon para sa mga nangangailangan nang sa gayun ay hindi na mamumroblema ang lahat ng emple­yado sa kanilang suweldo na natatang­gap buwan-buwan at kahit mag-umpisa man ito sa beinte pesos o mas mababa pa ay ayos na ‘yan kaysa naman walang mapala at hindi tayo makasabay sa agos ng buhay, malaking tulong na rin ito para sa panggastos natin, araw-araw.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page