top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

FIL-AM CLARKSON BIDA SA PANALO NG CAVS; LAKERS, MAY 7-1 KAY JAMES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 25, 2018
  • 1 min read

HINDI mapigilan ang sipag ng Los Angeles Lakers dahil na rin sa all-around game ni LeBron James kung saan tinilad nila ang Utah Jazz, 90-83 sa NBA game kaha­pon. Kahit na sa kabila ng walag kalatuy-latoy na shoo­ting performance nakabawi ang Lakers sa depensa at hindi na pinaporma ang Jazz na iilan lang ang player na lumaro.

Bunga ng natamong injury sa tagiliran, hanggang second quarter lang naglaro para sa Utah si Donovan Mit­­­chell makaraan ang inam­bag na 4 points. Sa 4th quarter naiangat ni James ang Lakers at nakatipon siya ng 22 puntos at 10 rebounds.

Samantala, sa wakas nagising din mula sa pagkaba­ngungot ng kamalasan ang Cleveland Cavaliers nang talunin ang Philadelphia 76ers, 121-112. Pangatlong panalo pa lamang ito ng Cavaliers mula sa 14 na talo simula nang lisanin ni superstar LeBron James ang kopo­nan at lumipat ito sa Lakers.

Nakatuwang sa pagbida ng Cavaliers sina Rodney Hood sa bisa ng 25 points at Filipino-American player Jordan Clarkson na bumida rin sa 19 puntos at ang 14 puntos ang naiambag niya sa 4th quarter. Ito lang ang ta­nging isang talo ng Sixers sa sarili nilang teritoryo (10-0) habang ang Cavs ay may 0-8 sa road games ngayong season. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page