top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dahilan ng pagtaas ng blood sugar

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 25, 2018
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Ang nanay ko ay may diabetes at siya ay 60-anyos na pero, may gamot siyang iniinom, regularly. Gayun­man, nagtataka ako dahil tumataas ang blood sugar niya kahit na may mga gamot siyang iniinom, ano ang sanhi nito? — Nelia

Sagot

Kapag tumaas ang asukal sa dugo, ang dahilan nito ay naglalabas ang pancreas ng insulin. Ang asukal sa dugo ay naa-absorb ng katawan dahil sa insulin. Ang asukal na hindi pa gagamitin ng katawan ay naiimbak sa atay at muscles. Dahil sa insulin, hindi tumataas ang asukal sa dugo.

Sa Type 1 diabetes, nasisira ang pancreas kaya wala itong insulin na nailalabas at kapag Type 2 diabetes kulang ang insulin at may insulin resistance (hindi gumagana nang mabuti ang insulin sa katawan). Umaakyat ang asukal sa dugo dahil hindi ito naa-absorb ng katawan. Kaya kailangang magturok ng insulin o uminom ng gamot para bumaba ang asukal sa dugo.

Narito ang mga dahilan kaya tumataas ang asukal sa dugo:

• Hindi sumusunod sa tamang diet para sa diabetes.

• Kulang sa ehersisyo.

• May sakit o impeksiyon.

• Bagong opera o under stress.

• Umiinom ng gamot na nakatataas ng asukal sa dugo tulad ng steroids.

• Kulang ang dosage nang iniinom na gamot.

• Kulang ang units ng tinuturok na insulin, mali ang pagturok ng insulin o expired na ang insulin.

Gayunman, kung may diabetes ang isang tao, dapat mapanatili ang fasting blood sugar sa 90-130 mg/dL (5-7.2 mmol/L) at ang HbA1c na mas mababa sa 7%.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page