Broadcaster huli sa shabu


ARESTADO ang isang dating konsehal at broadcaster sa General Luna, Siargao Island, Surigao del Norte.
Kasunod ito ng inilunsad na buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at pulisya.
Kinilala ang suspek na si dating General Luna Councilor Nicasio Sulapas, 52, residente ng Bgy. 5 Poblacion at dating radio broadcaster.
Ayon kay General Luna Police C/Insp. Joel Leong, si Sulapas na umano’y lider ng isang drug trafficking group sa Siargao Island ay naaresto matapos magbenta ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa pulis na nagsilbing poseur-buyer.
Nakuha mula sa suspek ang pitong sachets ng hinihinalang shabu at P1,000 marked money.
Samantala, ang nakumpiskang iligal na droga ay tinatayang nagkakahalagang P5,865. (BRT)





Comments