Bagyong Tomas lumayas na, puwede pang bumalik?!

TIKLO sa buy-bust ang bayaw ni DILG Usec. Martin Diño.
Anubayan?
◘◘◘
LUMAYAS na ang Bagyong Tomas, pero puwede raw itong biglang bumalik.
Huh, parang si Chinese Pres. Xi Jinping, “nasarapan” sa ‘Pinas!
◘◘◘
IBINASURA ng Makati Regional Trial Court ang apela ng DOJ kaugnay sa kaso ni Sen. Antonio Trillanes IV.
Ilipat sa Korte Suprema ang bakbakang legal!
◘◘◘
GUMAGRABE ang peace and order sa mga lalawigan.
Natakot na kasi silang gumawa ng kalokohan sa Metro Manila kasi huli agad sila.
He-he-he!
◘◘◘
MARAMI nang hoodlums ang nagsilayasan sa Metro Manila.
Nagsipag-uwian na sila sa kani-kanilang lalawigan at doon naghahasik ng lagim!
◘◘◘
GUSTONG ibalik ang ROTC sa K-11 at K-12.
Nawalan kasi ng raket ang mga kawatan sa AFP!
◘◘◘
SA aktuwal, pinagkakakitaan ang ROTC industry.
Overpriced kasi ang mga fatigue uniform, boots at iba pang gamit.
May aregluhan ding nagaganap, partikular ang mga anak ng mayayaman na “nagpapadulas” sa mga commandant!
◘◘◘
DAPAT maunawaan ni P-Digong na ang ROTC ang unang “lehitimong raket” ng mga taga-AFP.
Maawa kayo sa mga estudyanteng iniraraos lang ng mga magulang!
◘◘◘
ISINASAILALIM din sa hazing ang mga nagnanais na maging ROTC officers.
Dapat muna itong ayusin at pag-aralang mabuti bago ipatupad!
◘◘◘
SAAN ba gagamitin ang ROTC kung deklaradong “duwag” ang gobyerno na labanan ang China?
Isang klase ng kabaliwan ang ROTC kung wala namang giyera dahil naduduwag ang Pilipinas sa mga kalapit na bansa!
◘◘◘
ANG ROTC ay para lamang sa “matatapang” pero, kung duwag ang gobyerno sa malalaking bansa, raket lang ang ROTC.
Magpakatapang muna kayo bago mag-ROTC!





Comments