top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Rider utas sa checkpoint

Jeff Tumbado
Nov 24, 2018
1 min read

TODAS ang isang rider makaraang makipagbarilan sa mga pulis na sumita sa kanya sa inilatag na checkpoint sa Bgy. Kaypian, San Jose del Monte City, Bulacan.

Wala pang pagkakakilanlan ang napatay na suspek na nakunan ng .38 baril na ginamit sa panlalaban nito sa mga awtoridad.

Sa naisumiteng report kay Bulacan Provincial Police Office (BPPO) Director Sr. Supt. Chito Bersaluna, nagsasagawa umano ng Oplan Sita sa lugar nang matiyempuhan ang suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Pinara umano ng ilang pulis ang suspek dahil wala itong helmet ngunit, imbes na huminto ay agad umano itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad.

Dito na gumanti ang pulisya na nagresulta sa pagkamatay ng rider.

Bukod sa baril, nakarekober din mula sa bulsa ng suspek ng apat na plastic sachets ng shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page