top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Panlaban sa giyera — Duterte | ROTC SA GRADE 11 AT 12

Mylene Alfonso
Nov 24, 2018
2 min read

UMAPELA si Pangu­long Rodrigo Du­terte sa Kon­greso na magpasa ng batas na magre-require sa Grade 11 at 12 students na su­ma­bak sa Reserve Of­fi­­cers’ Training Corps (ROTC).

Binuhay ng pangulo ang kanyang hiling na gawing mandatory ang ROTC sa kanyang talumpati sa 35th Founding Anniversary ng Army Reserve Command sa Camp Regio de Dios, Tanza, Cavite.

“I likewise encourage Congress to enact a law that will require mandatory ROTC for Grades 11 and 12, so we can instill patrio­tism, love of country among our youth,” pa­hayag ng pa­ngulo.

Ikinokonsidera rin ng pangulo ang pag­hahain ng Executive Order para sa man­da­tory ROTC kung ipa­payo ng mga abogado sa Malacañang na ito ay legal.

“Ewan ko kung madale ito ng EO. Ka­pag madale ang EO siguro, Executive Order, baka mapilitan ako if they will not act on it. I said that this is a constitu­tional re­quirement that you must prepare to defend your coun­try,” pahayag ng Chief Exe­cutive.

Sinabi ng pangulo na makatutulong ang ROTC para gawing handa ang ka­bataan sa pagdepensa ng bayan oras na magkagiyera.

Ipinunto ng pangulo na isinasailalim ng maraming bansa ang kanilang mama­mayan sa military training lalo na ang Israel. Ikinabahala ni P-Duterte na sakaling mag­kagiyera ay walang alam na gawin ang mga ka­bataan.

Matatandaan, na manda­tory noon ang ROTC sa ko­lehiyo pero ginawa na la­mang itong optional noong 2002 matapos masawi ang estudyante ng University of Sto. Tomas na si Mark Chua.

Pinaslang umano si Chua ng ROTC offi­cers dahil sa pagbunyag nito sa umano’y katiwalian sa loob ng or­ga­nisasyon. Ikinadismaya rin ng mi­litar na labis ang naging pag­baba sa bilang ng reserve force matapos maipasa ang National Service Trai­ning Program Law noong 2001.

Nanatiling component ng NSTP ang ROTC ka­sama ang Civic Welfare Training Service (CWTS) at Literacy Training Service (LTS).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page