MIGHTY SPORTS-BULACAN KUYAS, INOLATS ANG PASAY SA MPBL

NAGAWANG makapagpag ng Bulacan mula sa mabagal na simula at nagising ito upang kumpletuhin ang panalong, 73-70 kontra Pasay City sa main game ng MPBL Datu Cup noong Huwebes ng gabi sa Bulacan Capitol Gymnasium.
Umiskor si Jovit Dela Cruz ng apat puntos kasama ang puwersa ni James Martinez na bumanat ng krusyal na basket at bitbitin ang Mighty Sports-backed Kuyas tungo sa 10 panalo sa may 15 laro upang manatiling nasa 5th spot mula sa pahirapang northern division game ng torneo na itinatag ni Manny Pacquiao at si PBA legend Kenneth Duremdes ang Commissioner.
Trumangko ang Kuyas ng 19 puntos sa 2nd period, (38-19) at hindi na sila bumitaw pa para iwang nakanganga ang Voyagers sa huling 3:10 minuto hanggang sa kumpletuhin ang laro.





Comments