Metro Manila napakarumi, kelan kaya ipasasara?!

ILALABAS na raw ang hatol sa Maguindanao massacre.
Itago ang mga “backhoe”!
◘◘◘
READY na ang ikatlong Telco.
Klap! Klap! Klap!
◘◘◘
MAY paparating na bagyo.
Pasalubong sa Pasko!
◘◘◘
SINIBAK ang Housing czar.
Sinipa sa “bahay”!
◘◘◘
LILINISIN na rin ang El Nido sa Palawan.
Dapat lang!
◘◘◘
GANADO sa negosyo sa Pilipinas ang China.
Balik ang Intsik beho!
◘◘◘
NAPAKARUMI ng Metro Manila.
Kailan kaya ito ipasasarado?
◘◘◘
ANG mga public market ay ubod nang baho.
Bakit hindi pa ipinasasarado?
◘◘◘
MARUMI rin at mabaho ang mga bangketa at kanal sa mga barangay sa Metro Manila.
Bakit hindi nililinis?
◘◘◘
HINDI seryoso ang DILG na ipatupad ang paglilinis sa paligid.
Porma lang nang porma ang mga kumag!
◘◘◘
BINALAK pa lang lusubin ng Philippine Navy ang Scarborough Shoal.
Yabang!
◘◘◘
BINALAK din kayang akyatin ang buwan ng Philippine Air Force?
Libre lang ang mangarap!
◘◘◘
BUMABAHA na ang mga prutas sa bangketa.
Ismagel pa more!
◘◘◘
WALA pang balita sa total firecrackers ban.
Iyan ang patok at putok na balita!





Comments