top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kasunduang ‘Pinas at China, huwag i-secret!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2018
2 min read

TROPANG DUTERTE, NAGHI­HIMUTOK SA SURVEY NA ISI­NUSUKA NG MGA PINOY SI CHI­NESE PRES. XI JINPING —Nag­hihimutok sina Presidential Spokes­man Salvador Panelo at DND Sec. Delfin Lo­renzana sa survey ng SWS na mas malaki ang tiwala ng mga Pinoy sa Amerika kay­sa sa China at hindi rin pabor ang ilan sa pagiging “nganga” ng Duterte gov’t. sa pagsakop ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

May puntong maghimutok sina Pa­nelo at Lorenzana kasi kung pagbaba­sehan ang survey ay lumalabas na ang naging bisita ni P-Duterte sa Pilipinas na si Chinese Pres. Xi Jinping ay isinusuka pala ng mga Pinoy, boom!

◘◘◘

PANIBAGONG ATAKE NI P-DU­TERTE, CHURCH DIVERSIO­NARY TACTIC PARA SA UTANG AT JOINT EXPLORATION NG PI­LIPINAS AT CHINA—Nanawagan ang publiko kay P-Duterte na ilantad ang laman ng mga kasunduan nila ni Chinese Pres. Xi Jinping, lalo na sa isyu ng utang at joint exploration ng Pili­pinas at China sa mga teritoryo ng bansa sa WPS, pero im­bes tugunan ang kahilingan ng mama­mayan, eh, ang ginawa ng pangulo ay si­nabi na isang “Bishop David” daw ang nagnanakaw ng mga donasyon sa Sim­bahan.

Ang layo ng sagot! Malinaw na di­versionary tactic ‘yan ni P-Duterte para ang pag-atake na naman niya sa Simbahan ang pag-usapan ng publiko at hindi ang mga laman ng kasunduan nila ni Chinese Pres. Xin Jinping, bu­wisit!

◘◘◘

PANG-12 NA LANG SA RAN­KINGS SI ANGARA, NAKUPO! —Unti-unti nang nalalaman ng publiko na si Sen. Sonny Angara ang kinasang­kapan ni P-Duterte sa Senado sa TRAIN Law na nagpapahirap sa ma­mamayan dulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin kasi base sa survey ng DZRH sa senato­riables ay ito ang ran­kings: 1. Cyn­thia Villar 2. Lito Lapid 3. Sen. Grace Poe 4. Sen. Pia Cayetano 5. Sen. Nancy Binay 6. Bong Revilla 7. Jinggoy Estrada 8. Bong Go 9. Koko Pimentel 10. Serge Osmeña 11. ‘Bato’ dela Rosa at pang-12 na lang sa ran­kings si Sen. Sonny Angara.

Ang masaklap, ang nakabuntot pa sa kanya ay ang malalakas ding kan­di­dato na sina Mar Roxas (13); Gov. Imee Marcos (14) at Sen. JV Ejercito (15).

Ibig sabihin, tumatagilid na ang kan­didatura ni Sen. Angara dahil sa kan­yang TRAIN Law, period!

◘◘◘

MGA SCALAWAG, DOBLADO NA ANG SUWELDO, NANGHU-‘HU­LIDAP’ PA—Sinibak ni NCRPO Director General Guillermo Eleazar ang buong puwersa ng Las Piñas Police Anti-Drugs Unit dahil sa pangingikil sa kanilang mga hinuhuling sangkot sa droga.

Pambihira talaga ang mga scalawag na parak na ito, doblado na nga ang suweldo, ayaw pang maglubay sa raket ni­lang “hulidap”, mga pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page