Say no to scam, mga ka-Bulgar! Mobile Number Portability Act, aprub na sa Kamara!

“LOYAL”, ganito kung maihahambing ang Mobile Number Portability Act (MNPA) dahil naglalayon itong mapanatili ng mga network subscriber ang kanilang cellphone number kahit magpalit man sila ng mobile service provider kung saan malaki ang maitutulong ng panukala para maiwasan ang identify theft, scams at iba’t ibang klase ng krimen dito sa bansa, lalo na ngayong sobrang laganap na ang mga pasaway at nalalapit na ang kapaskuhan.
Marahil, iniisip ng ilan na masyadong mababaw ang panukala, bagama’t, nagkakamali tayo r’yan dahil isa ang mobile phone sa mga ginagamit sa pakikipagtransaksiyon sa paggawa ng iligal na aktibidad na dapat nating pag-ingatan at paigtingin ang seguridad.
Kaya magandang balita na niratipikahan na ng Kamara ang committee report ng bicameral conference hinggil sa MNPA.
Gayunman, may ilan sa atin na paniguradong aalma, lalo na ‘yung may mga tinataguan at gusto nang magpalit ng mobile number para makaiwas sa mga nangungulit sa kanila. He-he-he!
Pero, tandaan, mas okay na i-text tayo ng ating mga kakilala kaysa ibang tao na manloloko lang pala.
Samantala, ang panawagan natin sa pamahalaan bago tuluyang ipatupad ang panukala, mas mainam na pag-aralan pa ito nang mas mabuti nang sa gayun hindi tayo magsisi sa huli!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments