Negosyante niratrat, utas
DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang negosyante matapos pagbabarilin sa Sitio Silangan, Bgy. Libjo, Batangas City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas-9:10 ng gabi, sakay ng kanyang kotse ang biktimang si Reynante Antenor, ng Bgy. Sampaga, patungo sa Bgy. Libjo.
Pagsapit nito sa naturang lugar, agad siyang hinarang at pinagbabaril ng mga suspek saka nagsitakas.
Nadala pa ito sa pagamutan ngunit, hindi na rin umabot nang buhay.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente upang madakip ang mga suspek at mabatid ang motibo.





Comments