Mommy OFW | ANAK, 7 YEARS INABUSO NG UNCLE


SA pamamagitan ng ipinadalang text messages, nasagip ang isang dalaga sa Pasuquin, Ilocos Norte, na halos pitong taon na umanong hinahalay ng kanyang amain.
Batay sa ulat, mismong ang 23-anyos na biktima ang nagpadala ng text sa hotline ng pulisya.
Nakasaad dito ang paghingi ng tulong ng biktima dahil pinasok na naman siya ng kanyang amain sa kanyang silid at may dalang granada na panakot sa kanya.
Agad pinuntahan ng mga awtoridad ang bahay ng biktima kung saan naaktuhan nila ang suspek na naka-brief at may hawak na granada.
Ayon sa biktima, 16-anyos pa lang siya nang simulang molestiyahin ng kanyang tiyuhin. Madalas umano siyang hipuan ng suspek habang natutulog siya.
Ilang beses na rin umano siyang nagsumbong sa kanyang inang overseas Filipino worker subalit, hindi umano siya pinaniwalaan nito.
Hindi naman itinanggi ng suspek ang paratang laban sa kanya. (BRT)





Comments