Mga magulang nagnegosyo sa militar | TRILLANES, NAGPAKASASA SA PERA NG BAYAN — DUTERTE
- Mylene Alfonso
- Nov 23, 2018
- 2 min read

MULING binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Sen. Antonio Trillanes IV, Rep. Gary Alejano at grupo nilang Magdalo kaugnay sa kanilang alegasyon laban sa kanya sa isyu ng korupsiyon.
Sa kanyang talumpati sa Tanza, Cavite, hinamon ni Pangulong Duterte si Alejano na ituro kahit isang negosyante lamang na kanyang hiningan ng pera sa loob ng 23 taong pagiging mayor nito ng Davao City.
“By the way, then I said that — sabi ko nga I will — I will not f*** with the people’s money. That’s why I do not sign any document. Maghanap kayo ng dokumento ninyo kung may makita kayo endorsement from the Office of the President. Wala, kasi ayaw ko. Ayaw ko talaga,” sabi ni Duterte.
“Kaya kung magmura ako and they will say that, “Corrupt ka, p***** i** mo, hayop ka.” Wala kayong maituro sa akin ever ni singko sentimo. Transactional, sabi nitong pagong? na Alejano. T*** i**… Siguro kayo,” ani Duterte.
“Pero in 23 years mayor ako, magturo kayo ng sinong negosyante diyan nagsabi naghingi ako maski piso. Akala mo siguro Alejano corrupt lahat ng tao sa mundo,” saad ng pangulo.
Ayon pa kay Duterte, posibleng ang pamilya ni Trillanes ang sangkot sa tinatawag na “transactional government” dahil nagnenegosyo ang kanyang nanay nito sa militar habang aktibo sa serbisyo ang kanyang tatay.
Habang nagpapakahirap umano sa training ang iba sa Philippine Military Academy, nagpakasasa naman daw si Trillanes sa pera ng gobyerno sa tanggapan ng kanyang tatay at negosyo ng nanay sa militar.
Pinatutsadahan din ni Duterte ang grupo nina Trillanes at Alejano na nagsagawa ng kudeta pero sumuko rin tapos may lakas loob pa umanong humarap sa kanya at magtapang-tapangan.
“Kayo. Kayong mga dreamers. Pa-revolt-revolt, pagkatapos mag-surrender din pala tapos may mukha ka magharap sa akin ng… akala mo ikaw lang may honor? Kayo lang diyan, si Trillanes?” dagdag pa ng Chief Executive.
“Sinabi niya ‘yung pagka-abogado nilakad na raw ng tatay ko. My father was 20 — 20 years dead when I became a lawyer. Ikaw Trillanes ang nilakad ng tatay mo, according to a PMAer. While everybody was there exercising to death, you were enjoying the food of government sa opisina ng tatay mo and your mother was into transaction. Iyan ang transactional, hindi kami. What have you — business of your mother transaction with government. Magsalita kayo — kayong… Akala matapang. Magdalo. Sinong tinatakot ninyo? dagdag pa ng presidente.





Comments