Kung kailangan ng abogado sa pakikipag-usap sa kasosyo sa negosyo

Dear Chief Acosta,
Ako ay sumasailalim sa isang voluntary mediation laban sa aking kasosyo sa negosyo. Gusto kong malaman kung kinakailangan bang abogado ang aming italaga na tutulong sa amin sa nasabing pag-uusap?— Jane
Dear Jane,
Para sa inyong kaalaman, sang-ayon sa Section 14 ng Republic Act No. 9285 o mas kilala bilang “Alternative Dispute Resolution Act of 2004”:
“SEC. 14. Participation in Mediation. - Except as otherwise provided in this Act, a party may designate a lawyer or any other person to provide assistance in the mediation. A waiver of this right shall be made in writing by the party waiving it. A waiver of participation or legal representation may be rescinded at any time.”
Malinaw sa nasabing batas na hindi kinakailangang abogado ang magbigay ng assistance tungkol sa inyong ginagawang voluntary mediation. Maaari kayong magtalaga ng kahit na sinong tao para rito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments