HUDCC secretary-general sibak-Duterte

SINIBAK sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary-General Falconi V. Millar dahil sa mga reklamo ng katiwalian laban sa nasabing opisyal.
Ani Presidential Spokesman Salvador Panelo, ‘effective immediately’ ang utos ng pangulo.
Gayunman, tiniyak ng Malacañang na hindi makaaapekto sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko ang pagkakasibak sa secretary-general ng HUDCC.
Samantala, wala pang inihahayag na pangalan ang Malacañang na papalit sa sinibak na opisyal. Nauna rito, sinabi ng pangulo na marami pa siyang sisibakin sa pamahalaan dahil sa patuloy na kampanya ng kanyang administrasyon laban sa katiwalian.





Comments