Hirap nang mag-overpass LOLA, PISAK SA TAXI
PATAY ang isang lola matapos mabundol ng rumaragasang taxi sa Mindanao Ave., Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Teresita Purificacion, 66, ng Bgy. Sto. Cristo, Bago Bantay, Quezon City.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-8:30 ng gabi sa Mindanao Avenue, Road 3, Bgy. Pag-Asa.
Papatawid ang biktima sa Mindanao Avenue nang dumating ang rumaragasang taxi na minamaneho ni Arsenio Nabales.
Sa bilis ng takbo ng taxi, nabundol nito ang biktima at tumilapon.
Sa lakas ng impact, nabasag ang windshield ng taxi.
Sinisi naman ng drayber ang biktima dahil hindi ito gumamit ng overpass pero, ang katwiran ng mga kaanak ng matanda, hindi na kaya ni Purificacion na umakyat pa dahil sa mahina na ang mga tuhod nito.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Nabales na nakakulong na sa himpilan ng pulisya.





Comments