HALL OF FAMER NA SINA PAENG, COO AT DE VEGA
- Clyde Mariano
- Nov 23, 2018
- 1 min read

PINARANGALAN kagabi ang 10 atleta na iniangat sa Philippine Sports Hall of Fame sa PICC bilang pagkilala sa hindi mabilang karangalang dinala sa bansa noong kapanahunan nila at nilagay ang bansa sa world sports map.
Ang 10 atletang napili sa third batch sa Hall of Fame ay sina bowlers Lita de la Rosa, Rafael “Paeng” Nepomuceno at Olivia “Bong” Coo, cagers Ambrosio Padilla at Loreto Carbonell, Asia’s sprint queen na sina Lydia de Vega-Mercado at Josephine de la Vina, golfer Ben Arda at boxer Erbito Salavarria, at baseball/softball Filomeno “Boy” Codinera.
Sina Padilla, Carbonell, Arda, Codinera, at De la Rosa ay pumanaw na. Ibibigay ang parangal sa kanilang asawa at mga anak.
Si De Vega-Mercado ay itinanghal na back-to-back fastest woman sa Asian Games noong 1982 sa New Delhi at 1986 sa Korea at si De la Vina ang kinoronahang pinakamalakas na javelin thrower sa SEAG at matagal na hinawakan ang PHL record.
Kasama sa first two batch na binigyang parangal si cage legend Carlos Loyzaga, boxing great Gabriel “Flash” Elorde, shooter Adolfo “Chito” Feliciano, at swimmer Hydee Coloso-Espino. Si Nepomuceno ang tanging bowler sa mundo na nanalo ng 4 World Cup titles noong 1974, ‘82, ‘92, at ‘96 at napasama sa Guinness Book of World Records.
Nagwagi si De la Rosa sa World Cup noong 1978 sa Cali, Columbia, at si Coo ay sa Asian Masters at maraming beses nanalo sa Asian Games at SEA Games.





Comments