top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dating aktres, mabuting asawa raw… GOV. IMEE, TODO-TANGGOL KAY KRING-KRING SA PROBLEMA SA MISTER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2018
  • 1 min read

GALING sa respetadong pamilya ang actress-politician na si Cristina Gonzales-Romualdez na mas kilala sa tawag na Kring-Kring Gonzales.

Nagsimula siya sa That’s Entertainment ni Kuya Germs Moreno (SLN), ganu’n din ang mga kapatid niyang sina Margarita at Michael. Anak siya ng dating Sampaguita actor na si Jose Mari Gonzales na isa ring record producer.

Sa panahon ng kanyang pag-aartista ay walang gaanong isyu o intrigang napagdaanan si Kring-Kring. Mabait at marunong siyang makisama sa lahat.

Nang magpakasal siya kay Alfred Romualdez (pamangkin ng dating First Lady Imelda R. Marcos), mistula itong fairytale romance dahil match na match ang kanilang personalidad.

Nahalal na mayor ng Tacloban, Leyte si Alfred Ro­mualdez. Nang matapos ang termino ay si Kring-Kring ang pinili ng kanilang mga kababayan na ipalit sa puwesto ng dating mister. At siya ang kasalukuyang mayor ng Tacloban.

May mga tsismis na lumutang na diumano ay “shaky” ang relasyon nila ni Alfred Romualdez. Ikinasasama ng loob ng actress-politician na sa kanya ibinabagsak ang sisi. And worst, inaakusahan siya nang walang katotohanan.

Mismong si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos (na pinsan ni Alfred Romualdez) ang nagsasabi-pumupuri kay Mayora Kring-Kring na napakabait na asawa. At hindi siya naniniwala sa mga kumakalat na tsismis na may matinding marital problem ngayon sina Alfred at Kring-Kring.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page