Bagyong Samuel, sinabayan ang pag-exit ni Chinese Pres. Xi Jinping!

TULOY ang joint exploration ng langis sa Spratlys Island.
Yipee!
◘◘◘
HIGIT na mahusay mambola si Chinese Pres. Xi Jinping kaysa kay P-Digong.
Daig tayo sa bolahan!
◘◘◘
IPINAAARESTO na ang mga suspek sa pagpasok ng P11 bilyong halaga ng shabu sa pier.
Pero, hindi kasama ang hepe ng Adwana!
◘◘◘
ISINASABIT sa murder ng journalist ang prinsipe ng Saudi Arabia.
Hindi nga?
◘◘◘
AKTUWAL nang itinalaga ni P-Duterte si Sen. Gringo Honasan bilang hepe ng DICT.
Hindi na ito press release lang!
◘◘◘
UMALIS na ang bagyong si ‘Samuel’.
Kasabay niyang nag-exit si Chinese Pres. Xi Jinping.
◘◘◘
MARAMI ng X-mas Party ang kinansela.
Bawal na raw ang Pasko!
◘◘◘
MATUMAL ang kampanya sa senatorial elections.
Kasi mayorya ay walang badyet!
◘◘◘
TAMEME lang ang U.S. sa pambobola ng China sa Pilipinas.
Dinaig kasi ang boladas ng mga Kano.
◘◘◘
MAHIGPIT ang away ng magkapatid na Binay sa Makati mayoralty post.
Para sa kanila, tiyak na Binay pa rin ang magwawagi!





Comments